National
Binatang nagbenta ng cellphone, nasawi nang sumabit at mahulog mula sa SUV ng nagpanggap na buyer
Nauwi sa trahedya ang pagbebenta ng cellphone ng isang binata matapos siyang masawi nang mahulog mula sa isang umaandar na SUV sa EDSA, Ortigas. Ang biktima, sumabit sa sasakyan ng nagpanggap na buyer at itinakas ang cel
Ni GMA News59K nabasa

Nauwi sa trahedya ang pagbebenta ng cellphone ng isang binata matapos siyang masawi nang mahulog mula sa isang umaandar na SUV sa EDSA, Ortigas. Ang biktima, sumabit sa sasakyan ng nagpanggap na buyer at itinakas ang cellphone.
Sa ulat ni Mark Salazar sa GMA News “24 Oras” nitong Miyerkules, makikita sa dashcam footage ang isang lalaki na nakakapit sa gilid ng isang sasakyan habang umaandar sa southbound lane ng EDSA sa bahagi ng Ortigas nitong Linggo dakong 6:00 pm.



