National
BI, nagbabala laban sa mga alok na trabaho sa Russia; Pinoy na patungong Russia, hinarang
Nagbabala nitong Linggo ang Bureau of Immigration (BI) sa publiko laban sa mga kahina-hinalang alok na trabaho sa ibang bansa na may kaugnayan sa Russia. Ginawa ang babala matapos harangin ang isang Pilipino na umano'y n
Ni GMA News71K nabasa

Nagbabala nitong Linggo ang Bureau of Immigration (BI) sa publiko laban sa mga kahina-hinalang alok na trabaho sa ibang bansa na may kaugnayan sa Russia. Ginawa ang babala matapos harangin ang isang Pilipino na umano'y ni-recruit para sa trabahong may kinalaman sa seguridad.
Hinarang ang 50-anyos na Pilipino sa Mactan-Cebu International Airport noong Oktubre 10 habang sinusubukan niyang bumiyahe patungong Vietnam pero sa Russia umano ang tunay na destinasyon.



