National
Bangka na may 13 tao na sakay at pupunta sa lamay, lumubog sa ilog; 3, nasawi
Nauwi sa trahediya ang biyahe ng mga papunta sa isang lamay nang lumubog ang isang motorized banca na may sakay na 13 katao sa isang ilog sa Binmaley, Pangasinan. Tatlo sa kanila, nasawi.
Ni GMA News115K nabasa

Nauwi sa trahediya ang biyahe ng mga papunta sa isang lamay nang lumubog ang isang motorized banca na may sakay na 13 katao sa isang ilog sa Binmaley, Pangasinan. Tatlo sa kanila, nasawi.
Sa ulat ni Sendee Salvacio sa GMA Regional TV One North Central Luzon, sinabing nangyari ang insidente noong Sabado ng gabi sa Camaley-Balogo River.
Isang bangkay ang nakita nitong Linggo ng gabi, at kaninang umaga naman natagpuan ang dalawa pa.



