National
Babaeng 'di umano nagpautang ng P1,000, pinatay at ginahasa ng 2 katrabaho sa Talisay City
Nakasilid sa sako nang matagpuan ang bangkay ng isang 33-anyos na babae na malapit sa pinagtatrabahuhan niyang manukan sa Talisay City, Negros Occidental. Ang suspek sa krimen, ang dalawa niyang katrabaho na nagturo pa s
Ni GMA News61K nabasa

Nakasilid sa sako nang matagpuan ang bangkay ng isang 33-anyos na babae na malapit sa pinagtatrabahuhan niyang manukan sa Talisay City, Negros Occidental. Ang suspek sa krimen, ang dalawa niyang katrabaho na nagturo pa sa kinaroroonan ng biktima.
Sa ulat ni Eileen Pedreso sa GMA Regional TV Ratsada Balita nitong Miyerkoles, sinabing limang araw nang nawawala ang biktima na nagtatrabaho bilang labandera sa manukan.



