National
Ambulansiyang may sakay na naaksidenteng taxi driver, nabangga ng TNVS sa QC
Nabangga ng isang TNVS ang ambulansiyang may sakay na sugatang taxi driver na naaksidente sa northbound lane ng EDSA Balintawak, Quezon City. Ang TNVS driver, sinabing posibleng nakaidlip siya habang nagmamaneho.
Ni GMA News43K nabasa

Sa ulat ni James Agustin sa GMA News Unang Balita nitong Martes, sinabing naganap ang insidente ng 3:40 a.m., kung saan nasira ang harapang bahagi ng kotse matapos sumalpok sa ambulansiya sa northbound lane ng EDSA Balintawak.