National
Ama na humabol sa rider na naka-hit and run sa kaniyang anak, patay nang kuyugin ng tropa ng suspek
Nasawi ang isang 31-anyos na ama matapos siyang bugbugin umano at paluin ng matigas na bagay sa ulo ng mga katropa ng rider, na kaniyang hinabol matapos na takbuhan ang kaniyang batang anak na nabangga nito sa Muntinlupa
Ni GMA News177K nabasa

Nasawi ang isang 31-anyos na ama matapos siyang bugbugin umano at paluin ng matigas na bagay sa ulo ng mga katropa ng rider, na kaniyang hinabol matapos na takbuhan ang kaniyang batang anak na nabangga nito sa Muntinlupa City.
Sa ulat ni Emil Sumangil sa GMA News 24 Oras nitong Lunes, makikita sa CCTV footage ang pagtakbo ng rider habang nakasunod sa kaniya ang biktima, na ama ng pitong-taong-gulang na babaeng nabangga at tinakbuhan umano ng suspek.



