National
Alex Eala, nakalusot kay Tereza Valentova; pasok na sa QF ng Hong Kong Tennis Open
Nakalusot sa matinding pagsubok si Alexandra “Alex” Eala matapos niyang talunin sa isang mahigpit na laban nitong Huwebes si Tereza Valentova, 6-4, 7-6(7), upang makapasok sa quarterfinals ng Hong Kong Tennis Open.
Ni GMA News104K nabasa

Nakalusot sa matinding pagsubok si Alexandra “Alex” Eala matapos niyang talunin sa isang mahigpit na laban nitong Huwebes si Tereza Valentova, 6-4, 7-6(7), upang makapasok sa quarterfinals ng Hong Kong Tennis Open.
Mabilis na nakalamang si Eala sa unang set, 3-0, bago nakapuntos si Valentova. Nadagdagan pa ng Pinay tennis star ang kalamangan at naging 4-1, ngunit nakabawi ang Czech player at naitabla ang laro sa 4-all.



