National
6 na taong gulang na babae patay, matapos ma-hit and run ng SUV sa Baseco, Manila
Patay ang anim na taong gulang na babae matapos na ma-hit and run ng isang SUV sa Baseco, Manila. Ang driver ng SUV, naaresto kalaunan.
Ni JHOMER APRESTO,GMA News36K nabasa

Patay ang anim na taong gulang na babae matapos na ma-hit and run ng isang SUV sa Baseco, Manila. Ang driver ng SUV, naaresto kalaunan.
Walang katumbas na salita ang sakit na nararanasan ng 25-anyos na ina ng Grade 1 student na si Jasmera, na namatay matapos umanong ma-hit and run ng isang SUV sa Baseco, Maynila noong October 30.
Sa kuha ng CCTV camera, makikita ang biktima na naglalaro sa gilid ng kalsada sa bahagi ng 2nd Street.



