National
5, kabilang ang 1 bata, patay sa pagsabog ng hinihinalang ilegal na pagawaan ng paputok sa Pangasinan
Lima katao kabilang ang isang batang walong-taong-gulang na babae— ang nasawi matapos sumabog at masunog ang hinihinalang ilegal na pagawaan o imbakan ng mga paputok sa gitna ng isang bukirin sa Malasiqui, Pangasinan.
Ni GMA News32K nabasa

Sa ulat ni Sendee Salvacio sa GMA Regional TV One North Central Luzon nitong Huwebes, sinabing nangyari ang insidente sa Barangay Tabo-Sili nitong Miyerkoles ng gabi.