National
3 Pinay na magbabakasyon daw sa Vietnam, posibleng biktima ng trafficking para magtrabaho sa Cambodia
Tatlong babaeng pasahero ang hindi pinayagang makaalis sa NAIA Terminal 1 dahil sa hinalang mga biktima sila ng human trafficking. Nagdeklara silang magbabakasyon sa Vietnam pero may indikasyon na sa Cambodia talaga ang
Ni GMA News122K nabasa

Tatlong babaeng pasahero ang hindi pinayagang makaalis sa NAIA Terminal 1 dahil sa hinalang mga biktima sila ng human trafficking. Nagdeklara silang magbabakasyon sa Vietnam pero may indikasyon na sa Cambodia talaga ang destinasyon nila para magtrabaho.
Sa isang pahayag nitong Biyernes, sinabi ng Bureau of Immigration (BI) na nangyari ang insidente noong Setyembre 25. Una umanong nagpahayag ang mga pasahero na patungo sila sa Vietnam. Ngunit natuklasan ng mga awtoridad na batay sa kanilang E-class Cambodian visa, sa Phnom Penh, Cambodia ang tunay nilang destinasyon.



