National
25-anyos na babae, patay sa pananaksak ng dating live-in partner matapos na makitang kasama ang bagong karelasyon
Patay sa saksak ang isang 25-anyos babae, habang sugatan ang kaniya umanong karelasyon na lalaki matapos silang pagsasaksakin sa Barangay Daga sa Cadiz City Negros Occidental. Ang suspek sa krimen, ang dating live-in par
Ni GMA News168K nabasa

Patay sa saksak ang isang 25-anyos babae, habang sugatan ang kaniya umanong karelasyon na lalaki matapos silang pagsasaksakin sa Barangay Daga sa Cadiz City Negros Occidental. Ang suspek sa krimen, ang dating live-in partner ng babae.
Sa ulat ni Eileen Pedreso sa GMA Regional TV Ratsada Balita nitong Biyernes, sinabi ng pulisya na sakay ng motorsiklo ang babae kasama ang bago nitong karelasyon na 34-anyos na lalaki nang mangyari ang krimen.



