National
2 lalaking naaktuhang nagsisinsil sa poste sa QC para magnakaw, arestado
Naudlot ang tangkang pagnanakaw ng dalawang lalaki matapos silang maaktuhan ng mga rumorondang pulis na nagsisinsil sa poste ng kuryente sa Congressional Avenue, Quezon City. Ang mga suspek, umaming nanakawin sana nila a
Ni GMA News Online106K nabasa

Naudlot ang tangkang pagnanakaw ng dalawang lalaki matapos silang maaktuhan ng mga rumorondang pulis na nagsisinsil sa poste ng kuryente sa Congressional Avenue, Quezon City. Ang mga suspek, umaming nanakawin sana nila ang ilang bakal sa poste upang ibenta.
Sa ulat ni James Agustin sa Unang Balita nitong Huwebes, makikitang nakatalungko pa ang dalawang lalaki sa base ng poste ng kuryente nang abutan sila ng mga awtoridad bandang 4 p.m. nitong Martes.



