National
2 katutubong magsasaka, nalunod sa ritwal na magreresolba sana sa kanilang alitan sa lupa sa Sarangani
Nauwi sa trahedya ang pagresolba sana ng dalawang katutubo sa kanilang sigalot tungkol sa lupa nang malunod sila nang sumailalim sa ritwal na patagalan sa ilalim ng tubig sa Alabel, Sarangani.
Ni GMA News109K nabasa

Nauwi sa trahedya ang pagresolba sana ng dalawang katutubo sa kanilang sigalot tungkol sa lupa nang malunod sila nang sumailalim sa ritwal na patagalan sa ilalim ng tubig sa Alabel, Sarangani.
Sa ulat ni John Consulta sa GTV News Balitanghali nitong Lunes, sinabing hindi naresolba sa barangay ang sigalot ng dalawang katutubo tungkol sa lupa kaya idinaan na ito sa ritwal na tinatawag na “sulif,” o trial by ordeal.



