National
2 katutubong magsasaka na nagtuos sa agawan sa lupa, nalunod sa isinagawang ritwal
Nalunod ang dalawang magsasakang katutubo matapos silang magpatagalan sa pagpigil ng hininga sa ilalim ng ilog bilang ritwal para resolbahin ang kanilang alitan sa lupa sa Alabel, Sarangani.
Ni GMA News180K nabasa

Nalunod ang dalawang magsasakang katutubo matapos silang magpatagalan sa pagpigil ng hininga sa ilalim ng ilog bilang ritwal para resolbahin ang kanilang alitan sa lupa sa Alabel, Sarangani.
Sa ulat ni John Consulta sa 24 Oras Weekend nitong Sabado, sinabing sabay na lumubog at nagpatagalan sa pagpigil ng hininga sa ilalim ng Glamang River ang dalawang lalaki nitong Biyernes.
Maraming tao ang nakamasid at nakaabang sa unang aahon.



