National
2.1% economic growth sa 3rd quarter ng 2026, pinakamahina umano mula noong 1st quarter ng 2021 na may pandemic
Nagtapos sa mas mababang antas ang financial market ng bansa nitong Lunes, kasabay ng pagbaba ng benchmark stock index at paghina ng piso laban sa dolyar. Ang mga namumuhunan, sinusuri ang datos na nagpapakitang mas maba
Ni JON VIKTOR D. CABUENAS, GMA News106K nabasa

Nagtapos sa mas mababang antas ang financial market ng bansa nitong Lunes, kasabay ng pagbaba ng benchmark stock index at paghina ng piso laban sa dolyar. Ang mga namumuhunan, sinusuri ang datos na nagpapakitang mas mabagal kaysa inaasahan ang naging paglago ng ekonomiya.
Bumaba ng 25.5 sentimos ang halaga ng piso at nagsara sa P63.31 kada dolyar, mula sa P63.055 kada dolyar noong nakaraang Biyernes. Ito na ang ikatlong sunod na araw ng paghina muli ng piso.



