National
1 sa mga nasugatang estudyante sa school shooting sa Banga, lumaban sa shooter kaya nailigtas ang mga kaklase
Itinuturing bayani ang isa sa mga estudyanteng nasugatan sa nangyaring pamamaril sa isang paaralan sa Banga, South Cotabato dahil sa ginawa niyang paglaban sa estudyanteng shooter upang mailigtas ang iba pa niyang kaklas
Ni GMA News160K nabasa

Itinuturing bayani ang isa sa mga estudyanteng nasugatan sa nangyaring pamamaril sa isang paaralan sa Banga, South Cotabato dahil sa ginawa niyang paglaban sa estudyanteng shooter upang mailigtas ang iba pa niyang kaklase na nasa loob ng isang silid-aralan.
Sa ulat ng GMA News Unang Balita nitong Lunes, ikinuwento ni South Cotabato Governor Raynaldo Tamayo Jr. kung papaano iniligtas ng 14-anyos na bayaning estudyante ang kaniyang mga kaklase.



