National
LTO, naglabas ng SCO laban sa SUV driver na nakasagasa sa 4-anyos na babae sa Pasig
Naglabas ng Show Cause Order (SCO) ang Land Transportation Office (LTO) laban sa rehistradong may-ari at driver ng isang sports utility vehicle (SUV) na nakasagasa at nakapatay sa isang batang babae na tumawid sa kalsada
লেখক GMA News112K বার পড়া

Naglabas ng Show Cause Order (SCO) ang Land Transportation Office (LTO) laban sa rehistradong may-ari at driver ng isang sports utility vehicle (SUV) na nakasagasa at nakapatay sa isang batang babae na tumawid sa kalsada sa Pasig City noong Setyembre 10, 2026. Ang lisensiya ng driver, suspendido rin.
Sa inilabas na pahayag ng LTO nitong Martes, nakasaad na iniutos ni Assistant Secretary Markus Lacanilao, ang pagpapalabas ng SCO matapos na maiulat sa GMA News "24 Oras" nitong Lunes ang insidente tungkol sa sinapit ng biktima na apat na taong gulang.


