Matapos ang 18 taon, binasag na ni Patrick Garcia ang kaniyang katahimikan sa hiwalayan nila ni Jennylyn Mercado. Paglilinaw niya, hindi siya nang-iwan kundi ayaw na ng aktres na makipag-ugnayan sa kaniya noong nagbubuntis ito.
Sa panayam sa kaniya ni Ogie Diaz sa vlog nito, inilahad ni Patrick na nagsasalita siya para sa kaniyang anak na si Michelle, na naba-bash din dahil sa kaniya.