Inihayag ni Odette Khan at ng kaniyang anak na si Claudette ang pasasalamat kina Marian Rivera at Dingdong Dantes sa ginawang pagtulong ng mag-asawa nang maospital ang beteranang aktres dahil sa pneumonia at iba pang sakit.
Sa guesting nila ni Odette sa “Kay Susan Tayo! Vlogs,” binalikan ni Claudette ang pinagdaanan ng ina nang dalhin ito sa emergency room dahil sa sakit noong Pebrero.