Entertainment
IV of Spades, sorpresang naglabas ng bagong single na 'Isang Pag-ibig'
Nagbabalik at may dalang sorpresang single ang bandang IV of Spades na “Isang Pag-ibig.”
Yazan GMA News64K okunma

Nagbabalik at may dalang sorpresang single ang bandang IV of Spades na “Isang Pag-ibig.”
Dati nang na-upload ng OPM band ang awitin sa kanilang SoundCloud ngunit ngayon lang nagkaroon ng official release.
Sa music video, makikita ang banda na tumutugtog sa isang rooftop at sa isang tunnel. Makikita rin dito ang mga makukulay at funky na graphics.
Mensahe sa awitin ng mga bokalistang sina Unique Salonga at Zild Benitez, ang kuwento ng isang relasyon na hindi matatawag na pag-ibig.



