Entertainment
Analyn Barro, nagpautang sa ex-jowa ng P50K; 'di pa rin daw nagbabayad
Kuwelang ikinuwento ni Analyn Barro na hindi pa rin siya nababayaran ng kaniyang ex-boyfriend na umutang sa kaniya ng P50,000.
Yazan GMA News130K okunma

Kuwelang ikinuwento ni Analyn Barro na hindi pa rin siya nababayaran ng kaniyang ex-boyfriend na umutang sa kaniya ng P50,000.
Sa nakaraang guesting nina Analyn, Arra San Agustin, Liezel Lopez sa "Fast Talk with Boy Abunda," tinanong ni Tito Boy si Analyn kung may nangutang sa kaniya.
“Grabe. Yes Tito Boy, P50K,” pagbahagi ni Analyn. “Ex ko po.”
“Umutang siya sa akin ng P50,000 kasi pambayad daw sa ganito. P50,000, tandang tanda ko Tito Boy. Kasi hanggang ngayon hindi pa rin ako nabayaran,” dagdag niya.



