National
Working student, nabawi ang wallet sa 3 Ipit Gang members sa loob ng bus
Nabiktima ang isang babaeng working student ng tatlong miyembro umano ng Ipit Gang sa loob ng bus nang matangay nila ang perang pambili sana niya ng libro sa Commonwealth Avenue, Quezon City kahapon. Ngunit ang biktima,
By GMA News Online63K reads

Nabiktima ang isang babaeng working student ng tatlong miyembro umano ng Ipit Gang sa loob ng bus nang matangay nila ang perang pambili sana niya ng libro sa Commonwealth Avenue, Quezon City kahapon. Ngunit ang biktima, nabawi ang kaniyang wallet.
Sa ulat ni James Agustin sa Unang Balita nitong Huwebes, sinabing pauwi na sana sa Caloocan ang 20-anyos na babaeng working student nang makaidlip siya sa biyahe.
Pagkagising, nawawala na ang kaniyang wallet.



