National
Volleyball coach, patay sa pamamaril habang nasa practice sa Davao City
Patay sa tama ng bala sa ulo ang isang volleyball coach na binaril habang nagpa-practice sa isang gymnasium sa Davao City.
By GMA News90K reads

Patay sa tama ng bala sa ulo ang isang volleyball coach na binaril habang nagpa-practice sa isang gymnasium sa Davao City.
Sa ulat ni Danica Reneses sa GMA Regional TV One Mindanao nitong Biyernes, sinabing nangyari ang krimen sa isang gymnasium sa Purok 4 Barangay Bago Gallera nitong Huwebes ng gabi.
Sa paunang imbestigasyon ng pulisya, nagtuturo ang biktima sa kaniyang mga manlalaro nang biglang pumasok ang salarin na naka-facemask at binaril sa likod ng ulo ang coach.



