National
Unang gold ng Pilipinas 2026 Asian Games, ibinigay ni Carlos Yulo
Nasungkit ni Carlos Yulo ang gintong medalya sa Asian Games at na nagbigay ng unang gold medal para sa Pilipinas sa ginaganap na palaro sa Nagoya General Gymnasium sa Japan. Ang naturang medalya, nakuha ni Yulo matapos s
By GMA News158K reads

Nasungkit ni Carlos Yulo ang gintong medalya sa Asian Games at na nagbigay ng unang gold medal para sa Pilipinas sa ginaganap na palaro sa Nagoya General Gymnasium sa Japan. Ang naturang medalya, nakuha ni Yulo matapos siyang mangibabaw sa men's floor exercise finals nitong Huwebes.
Nagtala ang two-time Olympic gold medalist ng 14.666 puntos, na 8.966 sa execution at 5.7 sa difficulty, upang manguna sa walong gymnast na kasama rin ang kaniyang nakababatang kapatid na si Eldrew.



