Muling tiniyak ni US President Donald Trump nitong Martes ang suporta ng Amerika sa mga kaalyado nitong bansa sa Southeast Asia, kabilang ang Pilipinas na inilarawan niyang mas naging malapit ang ugnayan dahil sa “personal relationship.”
Sa pagsisimula ng ASEAN-US Summit, sinabi ni Trump kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na kilala niya ang mga magulang ng lider ng Pilipinas na inilarawan na, “they were great.”
Nagbigay rin si Trump ng personal na katiyakan sa kaalyado ng US at sinabing maaari siyang tawagan kung magkaroon ng problema.