National
Tricycle food cart, nabangga ng pagewang-gewang na kotse sa Leyte; driver, nagtangka pa raw tumakas
Sugatan ang isang vendor at kumalat ang kaniyang mga paninda matapos masalpok ng pagewang-gewang na kotse ang kaniyang tricycle food cart sa Alangalang, Leyte. Ang driver, hindi tumigil.
By GMA News41K reads

Sugatan ang isang vendor at kumalat ang kaniyang mga paninda matapos masalpok ng pagewang-gewang na kotse ang kaniyang tricycle food cart sa Alangalang, Leyte. Ang driver, hindi tumigil.
Sa ulat ng GTV News Balitanghali nitong Biyernes, nakuhanan ng dashcam ang pagsalpok ng kotse sa tricycle food cart na nasa unahan niya. Sa lakas ng pagkakabangga, natumba ang food cart kaya nagkalat ng mga paninda ng vendor sa kalsada.



