National
Tricycle driver, patay nang bumangga sa isang motorsiklo at poste sa Kalibo, Aklan
Nasawi ang isang 37-anyos na tricycle driver matapos siyang bumangga sa isang nasiraang motorsiklo at poste sa Kalibo, Aklan.
By GMA News103K reads

Nasawi ang isang 37-anyos na tricycle driver matapos siyang bumangga sa isang nasiraang motorsiklo at poste sa Kalibo, Aklan.
Sa ulat ni Kim Salinas sa GMA Regional TV Ratsada Balita nitong Huwebes, sinabing nangyari ang insidente sa Barangay Poblacion kaninang umaga.
Sa kuha ng CCTV camera, makikita na dahan-dahan iniuusad ng rider ang kaniyang motorsiklo nang dumating ang tricycle na mabilis ang takbo mula sa kaniyang likuran.



