National
Tinapay na may palaman na mga karayom, itinapon sa bakuran na may mga aso sa Negros Occidental
Dalawang tinapay na may palaman na mga karayom ang nakita ng isang lola sa loob ng bakuran ng kaniyang bahay sa Pulupandan, Negros Occidental. Hinala niya, plano ng nag-iwan ng mga tinapay na makain ito ng kaniyang mga a
By GMA News95K reads

Dalawang tinapay na may palaman na mga karayom ang nakita ng isang lola sa loob ng bakuran ng kaniyang bahay sa Pulupandan, Negros Occidental. Hinala niya, plano ng nag-iwan ng mga tinapay na makain ito ng kaniyang mga alagang aso.
Sa ulat ni Adrian Prietos sa GMA Regional TV Ratsada Balita nitong Biyernes, sinabing nakita ng 69-anyos na lola na si Rutchel Delos Santos, ang mga tinapay nitong Miyerkoles.



