National
Suspek sa pagnanakaw sa bahay ni Chef Tatung, nahuli sa loob mismo ng kaniyang residential property
Kalaboso ang isang suspek matapos mahuli sa loob ng residential property ni Chef Tatung sa Barangay San Jose, Antipolo nitong Linggo.
By GMA News42K reads

Kalaboso ang isang suspek matapos mahuli sa loob ng residential property ni Chef Tatung sa Barangay San Jose, Antipolo nitong Linggo.
Ayon sa ulat ni Bam Alegre sa GTV News “Balitanghali” nitong Lunes, may dalang maleta ang suspek na puno ng mga kagamitan sa pagluluto. Mayroon ding sticker ng influencer-chef ang maleta.
"Accidentally, itong naaresto dumaan sa bandang likod ng property ni Chef Tatung dala itong maleta...aktong tatakbo pa eh. Nung una, sabi niya kalakal lang ito, paninda, eh mayroong picture ng Chef Tatung, mayroong gamit na posibleng ninakaw," ayon kay Police Lt.Col. Mark Henry Garcia, hepe ng Antipolo CPS.



