National
Shrine of Saint Padre Pio sa Batangas, pormal nang idineklara ng Vatican bilang international shrine
Pormal nang idineklara ng Vatican ang Shrine of St. Padre Pio sa Santo Tomas, Batangas bilang isang international shrine, kasabay ng kapistahan ng Santo.
By GMA News165K reads

Pormal nang idineklara ng Vatican ang Shrine of St. Padre Pio sa Santo Tomas, Batangas bilang isang international shrine, kasabay ng kapistahan ng Santo.
Sa ulat ni Mariz Umali sa GTV News Balitanghali nitong Miyerkoles, sinabing 10 a.m. nang magsimula ang Banal na Misa na pinangunahan ni His Eminence Pablo Virgilio Cardinal David, Obispo ng Caloocan.
Kasama sa pagdiriwang nito ang kinatawan ng Holy See o ng Vatican sa ating bansa na si His Excellency Archbishop Charles John Brown, Papal Nuncio, at His Excellency Archbishop Gilbert Garcera, Archbishop ng Lipa, Batangas at CBCP President.



