National
Sandiganbayan, iniutos na ilipat si Rep. Martin Romualdez sa QC Jail; pasya ng korte, iginagalang ng ex-Speaker
Iniutos ng Sandiganbayan nitong Lunes na ilipat si Leyte Representative Martin Romualdez sa Male Dormitory ng Quezon City Jail. Ang naturang pasya ng anti-graft court, iginagalang ng dating House Speaker at muling iginii
By JOAHNA LEI CASILAO, MAKI PULIDO, GMA News79K reads

Iniutos ng Sandiganbayan nitong Lunes na ilipat si Leyte Representative Martin Romualdez sa Male Dormitory ng Quezon City Jail. Ang naturang pasya ng anti-graft court, iginagalang ng dating House Speaker at muling iginiit na wala siyang kasalanan.
Ginawa ng Sandiganbayan ang kautusan matapos ihayag ng mga duktor sa Philippine General Hospital (PGH) na clinically stable si Romualdez at maaari na siyang ma-discharge o ilabas ng ospital matapos na masuri.



