National
Salpukan ng motorsiklo at tricycle sa Cauayan City, Isabela, nahuli-cam
Sugatan ang dalawang tao matapos magkasalpukan ang isang motorsiklo at isang tricycle sa Cauayan City, Isabela. Ang insidente, nahuli-cam.
By GMA News196K reads

Sugatan ang dalawang tao matapos magkasalpukan ang isang motorsiklo at isang tricycle sa Cauayan City, Isabela. Ang insidente, nahuli-cam.
Sa ulat ng GMA Regional TV One North Central Luzon, sinabing nangyari ang insidente sa bahagi ng national highway sa Barangay Minante II dakong 11:00 am nitong Lunes
Sugatan ang rider ng motorsiklo na tumilapon dahil sa lakas ng banggaan. Nasugatan din ang sakay ng tricycle, kapuwa sila dinala sa ospital.



