National
Romualdez, hiniling na manatili muna siya sa ospital matapos arestuhin sa kasong plunder
Naghain ng mosyon si dating House Speaker Martin Romualdez sa Sandiganbayan Third Division nitong Lunes upang payagan siya na manatili muna sa ospital kung saan siya nakaratay habang hinaharap ang kasong plunder na isina
By LYJAH TIFFANY BONZO, GMA News103K reads

Naghain ng mosyon si dating House Speaker Martin Romualdez sa Sandiganbayan Third Division nitong Lunes upang payagan siya na manatili muna sa ospital kung saan siya nakaratay habang hinaharap ang kasong plunder na isinampa laban sa kaniya ng Office of the Ombudsman.
Una rito, inihain ng Ombudsman laban sa dating speaker kasong plunder na nagkakahalaga ng P7.4 bilyon. Kasama sa kaso sina dating Ako Bicol party-list Representative Zaldy Co, at dalawang iba pa dahil sa umano’y pagkakasangkot sa kickback scheme sa mga proyekto para sa flood control.



