National
Rider at angkas, nagnakaw ng bag; 1 sa kanila, patay matapos silang masalpok ng truck
Nasawi ang isang rider habang sugatan ang kaniyang angkas matapos silang mabangga ng isang truck sa Malabon. Ang magkaangkas, tumatakas umano matapos magnakaw ng bag.
By GMA News148K reads

Nasawi ang isang rider habang sugatan ang kaniyang angkas matapos silang mabangga ng isang truck sa Malabon. Ang magkaangkas, tumatakas umano matapos magnakaw ng bag.
Sa ulat ni Gabriel Gonzales sa 24 Oras Weekend nitong Sabado, mapanonood ang pagharurot ng isang truck sa Barangay Santulan madaling araw nitong Linggo.
Ilang saglit pa, bigla nilang nabundol ang isang motorsiklo sa intersection. Tumilapon ang dalawang lalaking sakay ng motor.



