National
Pulong Duterte, naghain ng libel, cyberlibel vs. GMA Network, Matibag
Nagsampa ng kasong libelo at cyberlibel si Davao City 1st District Representative Paolo "Pulong" Duterte nitong Biyernes laban kina National Bureau of Investigation (NBI) Director Melvin Matibag, at dating pulis na si Ro
By GMA News Online101K reads

Nagsampa ng kasong libelo at cyberlibel si Davao City 1st District Representative Paolo "Pulong" Duterte nitong Biyernes laban kina National Bureau of Investigation (NBI) Director Melvin Matibag, at dating pulis na si Rodulfo Gracioso Jr. dahil sa mga paratang ng pagpapadala ng pera sa kaniyang pamilya.
Kasama rin sa reklamo ang ilang ehekutibo at mamamahayag ng GMA Network.
"Ngayon lang, nagsampa tayo ng kasong libel at cyber libel laban kina Melvin Matibag, Gracioso, at ilang personalidad ng GMA News na nasa 24 Oras, dahil sa kanilang mga pahayag na walang katotohanan at malinaw na layuning manira,” pahayag ni Duterte sa isang ambush interview.



