National
PNP: Kilalang personalidad, sangkot sa pagbaril at pagpatay sa isang working student sa Batangas
Isang kilalang personalidad at limang iba pa ang iniuugnay sa nangyaring pamamaril at pagpatay sa isang 22-anyos na working student sa San Jose, Batangas noong nakaraang Oktubre, ayon sa Philippine National Police (PNP).
By JOVILAND RITA, GMA News118K reads

Isang kilalang personalidad at limang iba pa ang iniuugnay sa nangyaring pamamaril at pagpatay sa isang 22-anyos na working student sa San Jose, Batangas noong nakaraang Oktubre, ayon sa Philippine National Police (PNP). Love triangle ang isa sa tinitingnan ng mga awtoridad na motibo sa krimen.
Ngayong Lunes, kinumpirma ni PNP spokesperson Police Colonel Allen Rae Co ang impormasyong ito sa GMA News Online sa pamamagitan ng isang mensahe. Gayunman, hindi pa niya tinukoy ang pagkakakilanlan ng sinasabing kilalang personalidad.



