National
Pamilyang natutulog, nagising sa ahas na tila lumalangoy sa ibabaw ng kanilang kulambo
Laking gulat ng isang pamilya sa Alcala, Cagayan nang magising sila na may malaking ahas na tila lumalangoy at nagpapakitang-gilas sa ibabaw ng kanilang kulambo.
By GMA News112K reads

Laking gulat ng isang pamilya sa Alcala, Cagayan nang magising sila na may malaking ahas na tila lumalangoy at nagpapakitang-gilas sa ibabaw ng kanilang kulambo.
Sa ulat ng GMA Regional TV One North Central Luzon nitong Martes, ikinuwento ni Wendy Tablac, na hatinggabi nang magising siya dahil sa pagkakasagi sa kaniya ng anak habang natutulog.
Nang imulat niya ang kaniyang mata, nakita niya ang ahas na halos isang metro ang haba na tila lumalangoy sa ibabaw ng kanilang kulambo.



