Naging emosyonal si Senator-judge Camille Villar nitong Miyerkules habang nananawagan sa kaniyang mga kapuwa senador na igalang ang mga kasamahang hindi nakadadalo sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte dahil sa mga kinakaharap na usaping legal at pangkalusugan.
Tumayo ang pinakabatang senador na si Villar sa ika-29 na araw ng impeachment trial matapos na muling igiit ni Senator-judge Erwin Tulfo, na pag-usapan ng Senate impeachment court ang naging desisyon nito kaugnay ng pagliban ng ilang kasamahan, na maaaring makaapekto sa botohan kapag hinatulan na si Duterte.