National
Paghabol ng mga pulis sa mga holdaper na umatake sa Nueva Ecija, umabot hanggang boundary ng Laguna-Batangas
Tumagal ng apat na oras ang paghabol ng mga pulis ang isang armadong grupo matapos na holdapin ang isang convenience store sa Gapan, Nueva Ecija. Ang habulan, nagtapos sa hangganan ng Laguna-Batangas.
By GMA News171K reads

Tumagal ng apat na oras ang paghabol ng mga pulis ang isang armadong grupo matapos na holdapin ang isang convenience store sa Gapan, Nueva Ecija. Ang habulan, nagtapos sa hangganan ng Laguna-Batangas.
Sa ulat ni Jun Veneracion sa GMA News “24 Oras” nitong Miyerkules, makikita sa CCTV footage ang isang puting van na pumarada sa harap ng isang convenience store dakong 9:00 pm nitong Martes.



