National
Negosyante, patay sa pamamaril ng kaalitan niya sa lupa; 2 suspek, nadakip
Nasawi ang isang negosyante matapos makaengkuwentro ang grupo ng kaalitan niya sa lupa sa Marawi, Lanao del Sur.
By GMA News128K reads

Nasawi ang isang negosyante matapos makaengkuwentro ang grupo ng kaalitan niya sa lupa sa Marawi, Lanao del Sur.
Sa ulat ng GTV News Balitanghali nitong Miyerkoles, sinabi ng pulisya na humantong sa mainit na pagtatalo ang pagkikita ng biktima at ng suspek sa Barangay Gadongan.
Hanggang sa balikan ng biktima at kaniyang mga kasama ang suspek at doon na nagka-engkuwentro.



