National
Nasa 30 katao, nasawi sa banggaan ng dalawang high-speed train sa Spain
Hindi bababa sa 30 katao ang nasawi matapos magbanggaan ang dalawang high-speed train sa Spain nitong Miyerkules. Ito na ang ikalawang deadly accident sa loob ng wala pang isang taon sa rutang nag-uugnay sa Madrid at sa
By GMA News47K reads

Hindi bababa sa 30 katao ang nasawi matapos magbanggaan ang dalawang high-speed train sa Spain nitong Miyerkules. Ito na ang ikalawang deadly accident sa loob ng wala pang isang taon sa rutang nag-uugnay sa Madrid at sa rehiyon ng Andalusia sa katimugang bahagi ng bansa, ayon sa mga awtoridad.
Sa mga video footage na ipinalabas ng Castilla-La Mancha Television, makikita ang isang tren na nadiskaril, habang isang bagon nanatili sa mataas na bahagi ng riles. Makikita rin ang mga nagkabaluktot na bakal, sirang panel, at mga piraso ng wasak na tren.



