National
Nag-viral na rider na 'di hinintuan ang nasaging kotse at isa pang rider, inisyuhan ng SCO ng LTO
Tukoy na ng Land Transportation Office (LTO) ang pagkakakilanlan, at nagpalabas ito ng Show Cause Order (SCO) laban sa isang rider na nag-viral kamakailan ang video sa social media matapos niyang takbuhan ang nasagi niya
By GMA News132K reads

Tukoy na ng Land Transportation Office (LTO) ang pagkakakilanlan, at nagpalabas ito ng Show Cause Order (SCO) laban sa isang rider na nag-viral kamakailan ang video sa social media matapos niyang takbuhan ang nasagi niyang isang kotse at isa pang rider na may angkas.
Sa inilabas na pahayag ng Assistant Secretary Markus Lacanilao nitong Martes, sinabing isasailalim sa 90-day suspension ang lisensya ng rider at nakaalarma ang kaniyang motorsiklo habang dinidinig ang kaniyang kaso.



