National
Nadakip na babae, nagbebenta umano ng mga pekeng gov't ID sa Maynila dahil sa hirap ng buhay
Sa kulungan ang bagsak ng dalawang babae dahil sa pagbebenta umano ng pekeng identification card gaya ng PWD (person with disability) ID sa Maynila. Ang isa sa kanila, umamin sa ilegal na gawain na nagawa raw niya dahil
By GMA News74K reads

Sa kulungan ang bagsak ng dalawang babae dahil sa pagbebenta umano ng pekeng identification card gaya ng PWD (person with disability) ID sa Maynila. Ang isa sa kanila, umamin sa ilegal na gawain na nagawa raw niya dahil sa hirap ng buhay.
Sa ulat ni Gabriel Gonzales sa Balitanghali nitong Huwebes, sinabing dinakip ng mga awtoridad ang isa sa mga babae sa bangketa sa Rizal Avenue sa Santa Cruz, hapon ng Martes, matapos niyang bentahan ng pekeng PWD ID ang isang awtoridad na nagpanggap na buyer.



