National
Miyembro ng Lupong Tagapamayapa sa Tuao, Cagayan, patay nang pagbabarilin ng riding-in-tandem
Patay ang isang miyembro ng Lupong Tagapamayapa ng Bulagao, Tuao, Cagayan, matapos siyang pagbabarilin ng mga hindi pa matukoy na suspek sa Barangay Centro, Tuao West sa Cagayan.
By GMA News132K reads

Patay ang isang miyembro ng Lupong Tagapamayapa ng Bulagao, Tuao, Cagayan, matapos siyang pagbabarilin ng mga hindi pa matukoy na suspek sa Barangay Centro, Tuao West sa Cagayan.
Sa ulat ng GTV News Balitanghali nitong Biyernes, makikita sa video footage na nakaupo ang biktima sa nakaparadang tricycle sa gilid ng kalsada nang lumapit sa kaniya ang mga suspek na sakay ng maotorsiklo at pinagbabaril siya nang malapitan.



