National
Misteryosong 'batang babae,' nakunan ng larawan ng isang TNVS driver na nasa backseat ng sasakyan kahit mag-isa lang siya
Nangilabot sa takot ang isang TNVS driver matapos lumitaw sa kaniyang larawan ang isang batang babae na naka-dress na nasa backseat ng nakaparadang niyang kotse kahit mag-isa lang siya rito.
By JAMIL SANTOS,GMA News181K reads

Nangilabot sa takot ang isang TNVS driver matapos lumitaw sa kaniyang larawan ang isang batang babae na naka-dress na nasa backseat ng nakaparadang niyang kotse kahit mag-isa lang siya rito.
Sa nakaraang episode ng “Kapuso Mo, Jessica Soho," itinampok ang TNVS driver na si Mark Leonard Busto, na huminto muna sa biyahe noong gabi ng Setyembre 25, sa Antipolo City para magpahinga.



