National
Mga Pinoy sa France, pinaalalahanan na ilegal doon ang sabong
Pinayuhan ng Philippine Embassy ang mga Pilipino na itigil ang pagsasagawa ng sabong sa France dahil itinuturing itong ilegal at pagmamalupit sa hayop. Ang mga lalabag, maaaring makulong at pagmultahin ng hanggang 45,000
By GMA News55K reads

Pinayuhan ng Philippine Embassy ang mga Pilipino na itigil ang pagsasagawa ng sabong sa France dahil itinuturing itong ilegal at pagmamalupit sa hayop. Ang mga lalabag, maaaring makulong at pagmultahin ng hanggang 45,000 euros.
Naglabas ng paalala ang Embahada matapos itong ialerto ng mga awtoridad ng France, at makatanggap ng mga reklamo kaugnay ng pagsasagawa ng mga aktibidad na may kinalaman sa sabong.



