National
Mga petisyong kumukuwestiyon sa voting threshold sa impeachment ni Sara Duterte, ibinasura ng SC
Ibinasura ng Korte Suprema (SC) nitong Miyerkoles ang mga petisyong kumukuwestiyon sa desisyon ng Senate impeachment court na ibatay sa bilang ng mga senador na aktuwal na lumalahok sa mga paglilitis ang kinakailangang b
By JOAHNA LEI CASILAO, GMA News163K reads

Ibinasura ng Korte Suprema (SC) nitong Miyerkoles ang mga petisyong kumukuwestiyon sa desisyon ng Senate impeachment court na ibatay sa bilang ng mga senador na aktuwal na lumalahok sa mga paglilitis ang kinakailangang bilang ng boto para mahatulan si Vice President Sara Duterte.
Ayon sa SC, ibinasura ng En Banc ang mga petisyong inihain nina dating Executive Secretary Vic Rodriguez, Berteni Causing, at Atty. Ernesto Francisco Jr. dahil sa mga procedural ground, kabilang ang kawalan ng legal na standing at pagiging premature ng mga petisyon.



