National
Mga patay at naagnas na baboy, itinapon sa tabing-ilog sa Pozorrubio, Pangasinan
Ilang baboy na naagnas na at nangangamoy ang nadiskubreng itinapon sa tabing-ilog sa Pozorrubio, Pangasinan. Dahil sa insidente, nag-panic ang mga hog raiser sa bayan kaya kinatay at ibinenta ang kanilang mga alaga kahit
By GMA News133K reads

Ilang baboy na naagnas na at nangangamoy ang nadiskubreng itinapon sa tabing-ilog sa Pozorrubio, Pangasinan. Dahil sa insidente, nag-panic ang mga hog raiser sa bayan kaya kinatay at ibinenta ang kanilang mga alaga kahit bagsak-presyo.
Sa ulat ni Jasmine Gabriel Galban sa GMA Regional TV One North Central Luzon nitong Miyerkoles, sinabing nadiskubre ang mga patay na baboy na may kasamang tinadtad na karne ng baboy sa Barangay Malasin noong Linggo ng umaga.



