National
Mga dugong at pawikan, namataan sa baybayin ng Kalamansig, Sultan Kudarat
May anim na dugong at limang green sea turtles o pawikan ang namataang naghahanap ng pagkain sa baybayin ng Kalamansig, Sultan Kudarat, ayon sa DENR Community Environment and Natural Resources Office (CENRO) sa lugar.
By GMA News107K reads

Batay sa CENRO Kalamansig, nakunan ang mga hayop sa dagat sa pamamagitan ng isang drone sa baybayin ng Poral, na sumasaklaw sa mga Barangay Santa Maria at Cadiz, sa isinagawang marine turtle monitoring activity noong Miyerkoles, Oktubre 21.