National
Mga buto at bungo ng tao na natagpuan sa isang isla, nagpapalit ng puwesto kahit walang gumagalaw?
Tagos hanggang buto ang kilabot na nararamdaman ng mga taga-Salcedo, Eastern Samar sa natuklasang tambak ng mga buto ng tao at nakahilerang mga bungo sa nakamamanghang Sisi Island. Ang mga kalansay, lumilipat pa umano ng
By JAMIL SANTOS,GMA News185K reads

Tagos hanggang buto ang kilabot na nararamdaman ng mga taga-Salcedo, Eastern Samar sa natuklasang tambak ng mga buto ng tao at nakahilerang mga bungo sa nakamamanghang Sisi Island. Ang mga kalansay, lumilipat pa umano ng lugar at binabantayan ng “berdeng nilalang.”
Sa nakaraang episode ng “Kapuso Mo, Jessica Soho,” sinabing sagana noon sa maliliit na lamang dagat na tila talaba na kung tawagin ay “sisi” sa naturang isla, kaya ito pinangalanang Sisi Island.



